Home
- Details
CAGAYAN VALLEY CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT FACEBOOK PAGE
- Details
FIXED VACCINATION SITES
- Details
- Details
BAKUNAHANG BAYAN | DAY 5
October 1, 2022
Sa ikalimang araw ng ating Bakunahang Bayan Special Vaccination days, pinangunahan nina CVCHD Regional Director Dr. Amelita M. Pangilinan, LHSD Chief Dr. Letticia Cabrera at RVOC Manager Ms. Jermaine Farrah Cepeda katuwang ang DMO IV Ms. Jade Martha Cabauatan. Sa pamamagitan ng LGU Rizal na pinangungunahan ni Hon. Mayor Brenda Ruma, katuwang ang MHO Dr. Praxedes Bangan, at si Dr. Jerome Andres isang DTTB, tayo ay nakapagbakuna sa Rizal, Cagayan.
Kanilang binisita ang isa sa mga fixed vaccination sites ng nasabing bayan, ang barangay hall ng Baluncanag at nakakwentuhan si Hon. Virgilio O. Lagua ang kanilang punong barangay, patungkol sa sitwasyon ng bakunahan sa kanilang lugar. Nilapit rin ang bakunahan sa mga kabahayan ng barangay Mauanan, Rizal.
Samantala, sa bayan ng Iguig, sa pamamagitan ni Mrs. Remedios S. Peleo, DMO IV kasama ang RHU Iguig, nailapit din ang bakunahan sa mga kabahayan ng barangay Gammad, Iguig, Cagayan.
Sa sama-samang pagkilos ng komunidad, mas lalo nating mapapalapit ang bakuna sa bawat Pilipino, makakamit natin ang layuning magkaroon ng wall of immunity laban sa COVID-19, at maipagpapatuloy natin ang ating trabaho, pag-aaral, at turismo.
Sa Bakunahang Bayan, bawat Pilipino, mas PinasLakas ang proteksyon.
Dahil sa boosters, PINASLAKAS! 
